GMA Logo Bebol Roco and Mikoy Morales for Tadhana
What's on TV

Tadhana: Amang OFW na nagtiis ng 15 taon sa ibang bansa, itinakwil ng mga anak

By Bianca Geli
Published June 25, 2020 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Bebol Roco and Mikoy Morales for Tadhana


Balikan ang pagganap ni Bembol Roco bilang isang amang OFW na itinakwil ng mga anak matapos magtrabaho sa ibang bansa at umuwi sa Pilipinas.

Umabot na ng mahigit 1 million views sa Tadhana GMA Facebook ang istorya ng isang amang OFW na nagsakripisyo at nagtiis ng 15 taon sa Netherlands bilang isang driver na nakaranas ng pagtatakwil ng sariling pamilya.

Matapos ang mahigit isang dekada na pagtatrabaho sa ibang bansa, umuwi sa Pilipinas si Jun (Bembol Roco) dahil sa kaniyang kalusugan.

Ngunit nang umuwi sa Pilipinas, halos ipagtabuyan pa siya ng mga anak.

Sa kanyang pag-uwi, umasa siyang magiging mainit ang pagtanggap sa kaniya ng kanyang pamilya at makakapiling na niya ang kaniyang mga anak ngunit tuluyan na pa lang lumayo ang loob nina Joel (Mikoy Morales) at Jessa (Klea Pineda) sa kaniya.

Tila napariwara ang kanilang buhay mula nang lumisan siya.

Napalitan ng galit at pagdaramdam ng pangungulila ang mga ito sa kanya.

Mabuo pa kaya ang kanilang pamilya?