GMA Logo chynna ortalez and bianca umali on tadhana
What's on TV

Chynna Ortaleza at Bianca Umali, magkapatid na magkaaway sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published July 3, 2020 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

chynna ortalez and bianca umali on tadhana


Hanggang saan ang kayang mong isakripisyo mo para sa iyong kapatid? Panoorin sina Chynna Ortaleza at Bianca Umali sa 'Tadhana' bilang magkapatid na sinubukan ng kanilang mga pangarap

Mula pagkabata, si Alma (Chynna Ortaleza) na ang nagsilbi sa kaniyang ama't ina at sa kapatid niyang si Arlene (Bianca Umali).

Lalong lumaki ang responsibilidad ni Alma nang pumanaw ang kanilang ama na OFW.

Pinag-aral ni Alma si Arlene para makapagtrabaho siya bilang nurse sa U.K. at makapag-aral ng medisina, na pangarap din ng kanilang ama para sa huli.

Naging mas komplikado ang lahat nang iwan ni Alma ang trabaho sa Pilipinas bilang guro para puntahan sundan si Arlene sa U.K.

Dito, mararamdaman ni Alma ang agwat nilang magkapatid, na tila nag-iba na simula nang lumipat sa U.K. si Arlene.

Ang kapatid niyang dati nakaasa sa kaniya, natuto nang mamuhay mag-isa sa ibang bansa.

Ngunit nang matuklasan ni Alma na nag-iba na ang trabaho ni Arlene, lalong nagkaroon ng lamat ang relasyon ng magkapatid.

Paano na kaya ang mga sakripisyo ni Alma para sa kapatid?

Panoorin sa Tadhana:

Tadhana: Pinay DH sa UAE, napagbintangang nagnanakaw umano ng pera sa amo! | Full Episode

Tadhana: Trans woman na OFW, nilabanan ang diskriminasyon habang nasa ibang bansa! | Full Episode