GMA Logo sanya lopez and manolo pedrosa
What's on TV

Sanya Lopez, gaganap bilang isang online sex worker 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published October 17, 2020 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez and manolo pedrosa


Tunghayan ang pag ganap ni Sanya Lopez bilang isang online sex worker para maitawid sa hirap ang kaniyang pamilya.

Ngayong Sabado sa Tadhana, tampok si Sanya Lopez bilang si Risa.

Sa murang edad na 18, tumayong breadwinner si Risa ng kaniyang pamilya para matulungan mapaaral ang kaniyang nakababatang kapatid na si Kiko (Manolo Pedrosa).

Ngunit ng sumapit ang pandemya, lalong nabaon sa hirap ang kanilang pamilya at napilitan si Risa na maghanap ng iba pang mapagkakakitaan.

Dahil sa pag-uudyok ng kaniyang ina, papasukin ni Risa ang mundo ng pagbibigay-aliw at magiging isang online sex worker.

Makaraos man sila sa kanilang mahirap na buhay, hindi pa rin matatapos ang kanilang paghihirap lalo na ng pati si Kiko ay pasukin na rin ang madilim na mundo ng pagsasakripisyo ng sarili.

Panoorin 'yan ngayong Sabado sa Tadhana, 3:15 ng hapon.