What's on TV

Marian Rivera, "naloka" sa istoryang tampok sa 3rd anniversary special ng 'Tadhana'

By Dianara Alegre
Published November 6, 2020 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ipo Dam gate open to release water —PAGASA
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera on tadhana


"Minsan iniisip mo akala mo soap opera lang," ani Marian Rivera tungkol sa two-part third anniversary special ng 'Tadhana,' kung saan tampok sina Paolo Contis, Edgar Allan Guzman, at Kim Molina.

Tatlong taon na ang Tadhana, drama anthology kung saan host si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Bilang selebrasyon, tampok sa third anniversary special nito ang dalawang istoryang tiyak na magpapakilig, magpapaiyak, at mag-iiwan ng tatak sa puso ng publiko.

Marian Rivera for Tadhana

Source: marianrivera (IG)

“Nakakaloka 'yung istorya kasi 'di mo akalain na… Minsan iniisip mo akala mo soap opera lang, pero nangyayari pala talaga sa totoong buhay,” ani Marian nang makapanayam ng 24 Oras.

Dagdag pa ng actress-TV host, natutuwa siyang umabot ng tatlong taon ang programa niya.

“Sabi ko talaga nu'ng una, alangan pa rin talaga ako na, 'Ako talaga 'yung kukunin n'yo as host?'

"Du'n nagsimula 'yun, e. Ang sarap isipin na umabot kami ng tatlong taon,” aniya.

Ipalalabas na sa Sabado, November 7, ang unang istorya handog ng Tadhana, ang “The One That Ran Away.”

Tampok dito sina Paolo Contis, Edgar Allan Guzman, at Kim Molina.

Nakakaloka! Nalingat lang si Carlo (@ea_guzman), iba na ang kasama ng mapapangasawa niyang si Hannah (@kimsmolina)! Sino ba itong si Jared (@paolo_contis) at bakit umeeksena siya sa dapat na "happy ending" nila? Ngayong Sabado na ang unang bahagi ng Tadhana 3rd Anniversary Special: The One That Ran Away! #TadhanaTOTRA SAVE THE DATE! 11.07.2020 3:15 PM GMA-7

A post shared by Tadhana GMA (@tadhanagma) on

Samantala, kuntento umano si Marian sa buhay niya ngayon kapiling ang kanyang mga anak na sina Zia at Sixto at asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Ngunit kahit sulit na sulit niya ang oras kasama sila, naaawa umano siya kay Sixto dahil lumalaki itong hindi nakalalabas ng bahay.

“Nakakaawa si Sixto kasi hindi nakakalabas ng bahay. Lumalaki na nandito lang siya sa bahay.

"Although may munti kaming garden pero, siyempre, hindi pa rin sapat. Mas maganda pa rin na naglalaro siya sa palaruan, nadudumihan, napuputikan,” aniya.

Dantes family

Source: marianrivera (IG)

Kung hindi nag-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.