GMA Logo Lexi Gonzales
What's on TV

Lexi Gonzales, inawit ang OST ng third anniversary special ng 'Tadhana'

By Felix Ilaya
Published November 8, 2020 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales


Na-LSS ba kayo sa official soundtrack ng 'Tadhana: The One That Ran Away?' Pakinggan ang "Nag-Iisa" performed by Lexi Gonzales, dito.

Kasalukuyang nagdiriwang ang Kapuso drama anthology series na Tadhana ng kanilang 3rd anniversary. Simula November 7, mapapanood every Saturday ang special episodes nito all month long!

Tampok nitong Sabado (November 7) ang episode na "The One That Ran Away" na tungkol sa kuwento ng mag-Mr. and Mrs.-to-be na sina Carlo (EA Guzman) at Hannah (Kim Molina) at ang umeeksena nilang wedding photographer na si Jared (Paolo Contis).

Gamit ang hashtag na #TadhanaTOTRA, maraming Twitter netizens ang nagpaabot ng kanilang paghanga sa magandang kuwento ng episode at mahusay na pagganap ng mga aktor na sina EA Guzman, Kim Molina, at Paolo Contis.

Isa pa sa naging standout ng episode na ito ay ang official soundtrack na "Nag-Iisa" performed by StarStruck season 7 First Princess Lexi Gonzales.

🎵 Bakit pa ako aasa, ba't pa maghihintay 🎵 LSS ka na ba sa OST ng #TadhanaTOTRA? Sabay-sabay tayong kiligin, tumawa at maiyak sa 3rd Anniversary Special ng Tadhana! Ngayong Sabado na ang unang bahagi ng The One That Ran Away! @kimsmolina @ea_guzman @paolo_contis SAVE THE DATE! 11.07.2020 3:15 PM GMA-7 Nag-iisa by @lalexigonzales

Isang post na ibinahagi ni Tadhana GMA (@tadhanagma) noong

🎵 Bakit pa ako aasa, ba't pa maghihintay 🎵 Na-LSS ka na ba sa OST ng #TadhanaTOTRA? LOOK: #LexiGonzales is the voice behind 'Nag-iisa,' the OST for #Tadhana's 3rd Anniversary Special ✨

Isang post na ibinahagi ni GMA Artist Center (@artistcenter) noong

Ayon sa mga comments, tinamaan daw sila ng "LSS" o "Last Song Syndrome" matapos marinig ang tinig ni Lexi sa episode ng Tadhana.

Pakinggan ang full version ng "Nag-Iisa" as performed by Lexi Gonzales sa video below: