GMA Logo Tadhana August 21 2021
What's on TV

Yasser Marta, Valerie Concepcion, Lucho Ayala tampok sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published August 21, 2021 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Hudson Williams, Tom Blyth sit front row together at Milan Fashion Week
Kapin 1.9 Million Deboto, Nisalmot sa Solemn Foot Procession | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana August 21 2021


Agawan ng mana? Halos magpatayan na ang magkakapatid para sa naiwang bahay at lupa ng kanilang ama ang istoryang tampok mamaya sa 'Tadhana.'

Muling nagkita ang magkakapatid na sina Daisy (Valerie Concepcion), Pablo (Lucho Ayala) at bunsong si Tirso (Yasser Marta) sa pagkamatay ng kanilang ama.

A post shared by Yasser Marta (@itsyassermarta)

Ang problema, sa halip na maging karamay at sandigan nila ang isa't isa, naging mitsa ng pag-aaway ang naiwang bahay at lupa ng kanilang ama.

Ipinamana kasi ang mga ito kay Tirso, na ampon ng kanilang magulang mula pa pagkabata. Tuluyan na nga bang magkakawatak-watak ang kanilang pamilya dahil sa pinag-aagawang mana?

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Part 1 ng Tadhana: Hating Kapatid, ngayong Sabado, August 21, 3:15 p.m. sa GMA-7!