
Umabot na ng mahigit 1 million views ang trailer ng Tadhana: In the Name of Love. Kuwento ito ng isang palaban na byuda na naghahanap ng hustisya ang tampok ngayong Sabado.
Kuwento ni Rochelle Pangilinan tungkol sa kaniyang role bilang Martha, "Gusto ko 'yung role ko, wala pa akong ginagawang ganitong klaseng role na mula sa pagkakaroon ng happy family, nauwi sa paghihiganti para sa family."
Ang istorya ay iikot kay Martha, isang byuda na gagawa ng paraan para makamit ang hustisya para sa kanyang mister na si Arman (Marco Alcaraz). Ano ang kaya niyang gawin makapaghiganti lang? Buhay nga ba nina Larry (Neil Ryan Sese), Tina (Maricar De Mesa), at Sara (Ella Cristofani) ang magiging kapalit?
Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: In the Name of Love Part 2, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!
Tignan ang lookalike ni Marian Rivera na si Lea Dumortier: