GMA Logo Tadhana Ambisyon
What's on TV

Andrea del Rosario at Klea Pineda, mag-ina sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published December 9, 2021 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Ambisyon


Umabot na sa mahigit two million views ang trailer ng 'Tadhana: Ambisyon' na tampok sina Andrea del Rosario at Klea Pineda bilang mag-ina.

Ngayong Sabado sa Tadhana, gaganap bilang mag-ina sa unang pagkakataon sina Andrea del Rosario at Klea Pineda. Umabot na sa mahigit 2.4 million views ang kanilang trailer na may pasilip sa storya ng mag-ina.

Tila gumuho ang fashion designer dream ni Barbra (Andrea Del Rosario) nang mabuntis siya at iwan ng nobyo para sa ibang babae.

Kaya naman isinumpa niyang gagawin ang lahat makamit lang ang naudlot na ambisyon,kahit na talikuran pa ang pagiging ina sa nag-iisa niyang anak na si Fatima (Klea Pineda).

Ngayong kilala na siyang fashion icon, hanggang saan aabot ang kanyang pagsisinungaling para sa pangarap na pinaghirapan niya?

Abangan ang pinakamalaking laban nina Andrea del Rosario at Klea Pineda kasama sina Tetchie Agbayani at Marco Alcaraz. Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Ambisyon ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!