
Sa Tadhana: Kasalanan, mapapanood ang kuwento ng maybahay na si Vivian (Maui Taylor) at ang ex-boyfriend niyang naging pari, si Father Edgar (Vin Abrenica).
Buong akala ni Vivian ay maitatago niya ang relasyon nila ni Father Edgar mula sa asawa niyang si Arthur (Mark Herras), isang OFW. Pero tila pinaparusahan sila ng langit nang magbunga ang kanilang lihim na relasyon ng isang supling!
Ngayong nagbalik na sa Pilipinas si Arthur, gagawin ni Vivian ang lahat ng kasinungalingan upang maitago ang kanyang anak. Pero ang kanilang kasalanan, unti-unti nang mabubunyag! Matanggap at mapatawad kaya ni Arthur ang malaking kataksilan nina Vivian at Father Edgar?
Huwag palampasin ang kuwento at natatanging pagganap nina Vin Abrenica, Maui Taylor, at Mark Herras, kasama sina Ella Cristofani, Kim de Leon, Crystal Paras, at Bryan Benedict.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Kasalanan the Finale ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!