
Sa susunod na new episode ng Tadhana, isang misis, huling huli sa akto ang kanyang mister at kerida nito. Ang mas malala, pati anak ng misis, gusto pang kunin ng kerida!
Buong akala ni Flordiliza (Valerie Concepcion) ay natagpuan na niya ang forever nang mapangasawa niya si Miko (Polo Ravales) at biyayaan ng isang anak. Hindi nagtagal, lumabas din ang pangit na ugali ni Miko at tuluyang pinili ang kanyang kerida na si Vanessa (Jenny Miller). Pero dahil sa malubhang sakit ng kanyang anak na si Airi (Lime Aranya), mapipilitan si Flordiliza na iwanan ang anak at magtrabaho sa Japan bilang entertainer.
Mabawi pa kaya ni Flordiliza ang kanyang anak? Mabuo pa kaya ang kanilang pinapangarap na tahanan?
Abangan ang natatanging pagganap nina Valerie Concepcion, Gary Estrada, Polo Ravales, Jenny Miller, at Lime Aranya.
Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Tahanan ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!