GMA Logo Tadhana
Image Source: Tadhana GMA (FB)
What's on TV

Irma Adlawan, Rufa Mae Quinto at Arra San Agustin, mag-aagawan sa 'Tadhana: Sikreto'

By Bianca Geli
Published April 29, 2022 12:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana


Byudang ina, tuluyang nawalan ng halaga sa kanyang mga anak! Stepdaughter, aangkinin ang lahat ng pinaghirapang yaman ng byuda?

Sa pagtatapos ng Tadhana: Sikreto, tampok sina Irma Adlawan, Rufa Mae Quinto, Arra San Agustin, Ashley Ortega, Topper Fabregas, sa isang istorya ng paghihiganti.

Ang pamilyang pilit binubuo ni Norma (Irma Adlawan), tuluyang nawasak dahil sa kanilang mga sikreto. Dahil sa matinding alitan ay muling aalis sina Naneth (Arra San Agustin) at Rodolfo (Topper Fabregas) sa bahay ng kanilang ina. Kaya naman ang masamang balak ni Yvette (Ashley Ortega) tila unti-unting natutupad.

Mailigtas kaya ni Joan (Rufa Mae Quinto) ang kanyang kumare mula sa masamang balak ni Yvette? O tuluyan nang mahuhulog si Norma sa maitim na balak nito?

Huwag palampasin ang natatanging pagganap nina Rufa Mae Quinto, Arra San Agustin, Ashley Ortega, Irma Adlawan, Regine Angeles, Luis Hontiveros, at Topper Fabregas.

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: Sikreto the Finale ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7! #TadhanaSikreto

Samantala, tingnan ang pagbabalik Pilipinas ni Rufa Mae Quinto sa gallery na ito: