GMA Logo Tadhana Ina, Anak, Asawa
What's on TV

Tadhana: 'Ina, Anak, Asawa' trailer, may higit 3M views na

By Bianca Geli
Published May 27, 2022 4:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Ina, Anak, Asawa


Mister na nagbakasyon sa isang isla, nakahanap ng pamalit kay misis?

Umabot na ng mahigit three million views ang trailer ng Tadhana: "Ina, Anak, Asawa" na tampok ang storya ng mag-asawa na sinubok ang relasyon ng tukso.

Graduate na raw si David (Akihiro Blanco) sa pagiging babaero.

Mapait man ang naging relasyon ni Jessica (Faith da Silva) sa kanyang ina, sinuwerte naman siya nang dumating si David sa buhay niya -- isang mapagmahal, mayaman at gwapong lalaking pinakasalan siya.

Pero ang happy at perfect marriage nila, unti-unting masisira dahil sa isang island vacation! Matutukso kasi si David sa sexy fire dancer na si Lorena (Ina Raymundo).

Ang secret affair nina David at Lorena, aabot hanggang sa Maynila. Paano kung ang kabit ni mister, mismong nanay pala ni Jessica?

Abangan ang natatanging pagganap nina Ina Raymundo, Faith da Silva, Akihiro Blanco, Althea Ablan, Jenzel Angeles, Wenggay Concepcion, Katkat Dasalla, Allan Paule, JC Tan, at Andrew Gan.

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Tadhana: "Ina, Anak, Asawa" ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!