
Powerhouse ang cast ng Tadhana: Hanggang Kailan, ang special four-part episode ng weekly drama anthology.
Kasama sa pinakamalaking episode ng Tadhana sina Gladys Reyes at Claudine Barretto, pati na rin sina Katrina Halili, Marco Alcaraz, Allen Dizon at marami pang iba.
Umere na ang first episode noong September 9, kung saan nasaksihan ang bagsik ng pagtatalo nina Gladys Reyes bilang Martina Fortuna-Valdemor at Claudine Barretto bilang Dolores Montemayor.
Kuwento ni Gladys sa 24 Oras, "Siyempre sanay tayo na lagi lang iiyak sa isang tabi 'yung bida, pero dito siyempre isang palaban din na Claudine ang bida. At siyempre papatalo rin ba si Martina, hindi 'di ba? Kung palaban siya mas lalong magiging palaban 'yung karakter ni Martina."
Bida rin sa Tadhana: Hanggang Kailan ang mag-loveteam na Sofia Pablo at Allen Ansay, kasama ang iba pang bigating Kapuso stars.
Mapapasabak sa matinding drama ang Team Jolly, kung saan gaganap si Sofia bilang si Aurora, ang nawawalang anak ng karakter na ginagampanan ni Claudine Barretto.
Ayon kay Sofia, "Nagulat po ako na after ng Prima Donnas, may makakatrabaho po ako na veteran artist and talagang they made their mark in showbiz, so ang laking tulong sa experience namin."
Dagdag naman ni Allen, "Nakaeksena ko agad si Ms. Gladys tapos mabigat na eksena agad, may iyakan agad. Tapos 'yung second taping day namin, si Ms. Claudine naman 'yung nakaeksena ko. Iyakan pa rin, talagang may pakiramdam na hindi ko alam ang gagawin pero nandiyan sila, tutulungan ka nila."
Abangan ang Part 2 ng Tadhana: Hanggang Kailan ngayong Sabado, September 17, 3:30 p.m. sa GMA-7!