
Sa pangalawang yugto ng three-part episode special ng Tadhana sa kanilang ika-limang anibersaryo, bibida sina Mylene Dizon, Lianne Valentin, Raymond Bagatsing, Vaness del Moral, Erlinda Villalobos, Via Antonio, at Tart Carlos.
Asawa o anak? 'Yan ang katanungan ng isang ina sa Tadhana: Baliw na Puso Part 2.
Upang maitago ang kataksilan nina Sharlene (Vaness del Moral) at Dennis (Raymond Bagatsing) ay gagawin nila ang lahat huwag lang bumalik sa tamang pag-iisip si Amy (Mylene Dizon). Lingid sa kaalaman ng dalawa na si Bianca (Lianne Valentin), ang babaeng kanilang binayaran upang alagaan si Amy, ang siyang magiging gamot sa kabaliwan nito! May mas malalim pa nga bang koneksyon sina Amy at Bianca sa isa't isa?
Huwag palalampasin sina Mylene Dizon, Raymond Bagatsing, Vaness del Moral, Lianne Valentin, Erlinda Villalobos, Via Antonio at Tart Carlos.
Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa 5th anniversary special ng Tadhana: Baliw na Puso part 2, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs Facebook and YouTube livestream.