
Sa Tadhana: Hubad na Katotohanan, kumapit sa patalim si Lemuel.
Dahil sa sakit ng kanyang anak ay tinanggap ni Lemuel ang isang ilegal na trabaho at tinago sa misis niyang si Julia (Shaira Diaz) ang trabahong inalok ni Rebecca (Jelai Andres) sa kanya.
Ang buong akala niya ay unti-unti nang aahon ang kanilang pamilya habang palihim na nagtatrabaho siya kina Daks (Christian Antolin) at Rebecca.
Pero ang kanyang diskarte sa Maynila, makakarating kay Julia.
Malalaman na rin ba ni Julia ang katotohanan sa likod ng trabaho ni Lemuel? Trabaho nga lang ba ang balak ni Rebecca kay Lemuel?
Balikan and Tadhana episode ng real-life couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz. Kasama sina Jelai Andres, Lui Manansala, Rhed Bustamante, DJ Durano, Migs Villasis at TikTok star Christian Antolin sa Tadhana: Hubad na Katotohanan.
Panoorin ang video rito: