Sa mundo ngayon, everything is just one click away, be it truth or danger. Sama-samang kakalabanin ng Taskforce Firewall ang mga taong ginagamit ang internet at technology sa masamang paraan.
Pangungunahan sila nina Isa (Kylie Padilla), isang brilliant strategist na naghahanap ng hustisya para sa namatay niyang ina, at ni Galo (Miguel Tanfelix), isang ex-soldier na dinukot naman ang kapatid ng isang cybercrime syndicate.
Kasama rin sa elite team ang reformed hacker na si Hex (Jak Roberto), sharp-witted financial analyst na si Callie (Kyline Alcantara), sharpshooter lawyer na si Leila (Cheska Fausto), computer analyst na si Emma (Lexi Gonzales), at tech prodigy na si Jhay-jhay (Buboy Villar).
Mula child exploitation rings at online gambling empires hanggang cyber bank heists, ransomware attacks, at iba pang uri ng cybercrime — walang atrasan sa bawat high-risk mission na kanilang haharapin.
Action. Technology. Justice.
Isang click ka lang mula sa matinding bakbakan at cyber warfare sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.