
Sa Taste Buddies, may fun activity na, may food trip pa sa isang Japanese restaurant sina Gil Cuerva, Janine Gutierrez, at Joshua Bulot.
Sa episode nitong January 11, sinubok nina Gil, Janine, at Joshua ang kanilang galing sa pag-solve ng puzzle sa escape room ng Lost Philippines. Dito ay ni-nominate nina Janine at Joshua si Gil bilang sacrifice.
Para naman sa Tikiman Time, pumunta sila sa Teppanya kung saan niluto sa kanilang harapan ang ilang authentic Japanese dishes.
Abangan ang iba pang food adventures and fun activities ng Taste Buddies every Saturday sa GMA News TV.