
Nagka-relationship bukingan sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa February 8 episode ng Taste Buddies.
Sa kanilang game with Gil Cuerva, na-test nila kung gaano nga ba nila kakilala ang isa't isa. Isa sa mga itinanong ni Gil ay kung ano ang ayaw ni Janine kay Rayver.
Sagot ni Janine, ito ay ang paglalaro ni Rayver ng Mobile Legends.
Paliwanag niya, "Nako aawayin ako ng mga ano mo, mga ka-team."
Ayon naman kay Rayver, "Sige idi-delete ko na."
Ibinahagi ni Janine na maraming beses na na-bad trip si Rayver sa kanya dahil sa pagtawag nito habang naglalaro.
"Kasi ang hirap Gil eh. Hindi ko na nga siya tinatawagan kasi mga one million times na tinatawagan ko siya, 'yun pala nasa gitna siya ng clash so namatay siya. So bad trip na siya, hindi na ako tumatawag."
Nilinaw naman ni Rayver na hindi naman siya naba-bad trip.
"Never akong na-bad trip pag si Janine ang tumatawag sa akin...Game lang 'yun, sacrifice ko 'yun."
Panoorin ang kabuuan ng kanilang bukingan sa Taste Buddies.
LOOK: Janine Gutierrez chopped her hair for a stunning new look