
Tulad ng ibang mga artista, naging busy rin si Solenn Heussaff sa paggawa ng kanyang work from home set-up ngayong new normal.
Ang set-up na inihanda ni Solenn ay para sa kanyang Saturday lifestyle show sa GMA News TV na Taste Buddies. Matatandaang nagbalik na si Solenn sa kanilang show at napanood muli sa fresh episode nito lamang November 7 pagkatapos ng kanyang break.
Ipinasilip ni Solenn ang kanyang set-up sa kanyang Instagram story. Saad ni Solenn, "Taping Taste Buddies from home is a challenge. Lol."
Photo source: @solenn
Sa kanyang nakaraang interview, ibinahagi ni Solenn na siya ay ang gagawa ng team bahay segment ng programa. Ang kanyang co-host naman na si Gil Cuerva ang mage-explore ng ilang spots na nagbukas na ngayong new normal.
"'Yung mga first episodes ng Taste Buddies nandoon ako pero shooting from home. Si Gil naman team escape at ako naman ang team bahay."
Ibinahagi rin niya ang kanyang ginagawang paghahanda sa bahay.
"Ako lang nandito mag-isa sa house, ako 'yung cameraman, ako 'yung chef, ako 'yung host. But it's a fun experience."
Dugtong pa niya, "I think magugustuhan ng mga tao, kasi people love to see the environment you live in. So I think a lot of people will enjoy 'yung mga shoot ko sa bahay for Taste Buddies."
Related links:
Kapuso Showbiz News: Solenn Heussaff, emosyonal sa pagbabalik-trabaho para sa 'Taste Buddies'
WATCH: Solenn Heussaff and Gil Cuerva share their healthy food options and home workout