
Inamin ni EA Guzman na crush niya ang Kapuso star at style icon na si Heart Evangelista.
Si EA at si Heart ay nagkatrabaho noon sa seryeng My Korean Jagiya.
Ang kuwentong ito ay ibinahagi niya sa isang game sa Taste Buddies nitong April 10 kasama ang hosts na sina Solenn Heussaff at Gil Cuerva.
Photo source: Taste Buddies
Ayon sa tanong sa kanilang game, sino ang co-star ni EA ang pinaka-fun na i-kiss?
Sagot ni EA ay si Heart.
"Heart Evangelista, kasi crush ko siya."
Nilinaw ni EA na hindi siya nag-take advantage kahit na crush niya sa Heart.
"Noong time na 'yun, fun 'yun para sa akin kasi 'di ba sa atin, crush mo tapos... pero respect pa rin. Hindi ako nag-take advantage."
Dugtong niya pa, "Smack lang naman."
Inamin ni EA na pinaghandaan niyang maigi ang eksena nila ni Heart.
Natatawang kuwento ni EA, "Pero grabe 'yun. Noong nalaman ko 'yun sabi ko.. grabe mag-toothbrush ako at kakainin ko yung toothpaste."
Panoorin ang iba pang mga nabuking na mga kuwento sa Taste Buddies sa video.
Related content:
Taste Buddies: 'Tikiman Time' with EA Guzman at the Yellow Lantern Café
Taste Buddies: Feel at home at the Yellow Lantern Café!