
Mapapanood ang aktres na si Jo Berry, ang lead star ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias: Attorney-at-Law, sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (May 21).
Hatid ni Jo ang limang signs na hindi ka pa nakaka-move on sa iyong ex sa segment na “TBATS Top 5."
Sasabak din ang Kapuso star sa “Food or Fake,” kung saan titignan ng aktres at nina Boobay at Tekla ang mga nakahandang pagkain mula sa malayo at pipiliin kung alin sa mga ito ang totoong pagkain.
Bukod dito, sasalang din si Jo sa segment na “Phone Raid.” Anu-ano kaya ang mga malalaman natin mula sa cellphone ng aktres? Abangan lamang 'yan this Sunday!
Tutulungan din ni Jo ang TBATS hosts na magbigay ng ilang payo sa mga nagpadala ng sulat sa “Dear Boobay & Tekla.”
Exciting 'di ba? Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (May 21), 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
SAMANTALA, ALAMIN ANG NOTABLE TV ROLES NI JO BERRY SA GALLERY NA ITO.