GMA Logo Kakai Bautista, Buboy Villar, Tekla in TBATS
What's on TV

Kakai Bautista, may crush reveal sa 'TBATS?'

By Dianne Mariano
Published June 3, 2023 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO issues show cause order vs viral ‘traffic enforcer’ for reckless driving
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Kakai Bautista, Buboy Villar, Tekla in TBATS


Abangan ang actress-comedienne na si Kakai Bautista sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (June 4).

Punong-puno ng good vibes at tawanan ang hatid ng inyong favorite Sunday night habit na The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (June 4).

Makakasama nina Tekla at ng guest co-host na si Buboy Villar ang guest star na si actress-comedienne Kakai Bautista.


Sasabak ang komedyana sa food guessing game na “Food or Fake,” kung saan may mga nakahandang pagkain mula sa malayo at pipiliin niya kung alin sa mga ito ang totoong pagkain.

Bukod dito, sasalang din si Kakai sa “Phone Raid,” kung saan ibibigay niya ang kanyang cellphone sa hosts, na magbabasa ng random text messages. Malalaman natin kung sino ang crush ng aktres sa P-Pop boy band na SB19 nang basahin ni Buboy ang isa sa conversations nina Kakai at Sparkle star na si Sanya Lopez.

Sino kaya ito? Abangan 'yan this Sunday!

Iisa-isahin naman ni Kakai ang limang nakakainis na mga tanong ng kamag-anak tuwing may family reunions sa "TBATS Top 5" at tiyak na maraming makaka-relate rito.

Bago matapos ang masayang gabi, babasahin ni Kakai ang meanest tweets tungkol sa kanya sa segment na “Ang Harsh.”

Exciting 'di ba? Abangan ang all-new episode ng TBATS ngayong Linggo (June 4), 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

TINGNAN ANG SEXIEST LOOKS NI KAKAI BAUTISTA SA GALLERY NA ITO: