GMA Logo Gil Cuerva, Lexi Gonzales
What's on TV

Gil Cuerva at Lexi Gonzales, magpapakilig at makikipagkulitan sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published July 7, 2023 5:45 PM PHT
Updated June 30, 2024 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BDO apps currently down for iOS users
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?
BINI takes part in LA Clippers' Filipino Heritage Night

Article Inside Page


Showbiz News

Gil Cuerva, Lexi Gonzales


Humanda na sa unli kilig at kulitan kasama sina Kapuso stars Gil Cuerva at Lexi Gonzales sa 'TBATS' mamayang gabi.

Siguradong kikiligin at punong-puno ng saya mamayang gabi dahil mapapanood ang Kapuso stars at real-life sweethearts na sina Gil Cuerva at Lexi Gonzales sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Ngayong Linggo (June 30), sasalang sina Gil at Lexi sa nakakatawang segment na "Bawal Tumawa Newscast" kasama ang TBATS hosts na sina Boobay at Tekla.

Maghaharap naman sina Gil at Lexi laban sa comedy duo sa celebrity trivia contest na “Inuman Quiz."

Bukod dito, mas makikilala ang celebrity couple dahil ilang fun facts tungkol sa kanila ang malalaman sa “Phone Raid.” May isa pang surprise game para sa celebrity guests mamaya!

Samantala, ibabahagi nina Gil at Lexi ang “TBATS Top 5: Mga Panira ng Araw.”

Abangan ang The Boobay and Tekla Show mamayang 10:05 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.