GMA Logo Whamos Cruz, Antonette Gail Del Rosario
PHOTO COURTESY: YouLOL(YouTube)
What's on TV

Whamos Cruz and Antonette Gail Del Rosario share the best thing about being parents

By Dianne Mariano
Published September 7, 2023 4:08 PM PHT
Updated February 9, 2024 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prosecutor: Ayon sa medical experts, ‘fit’ na lumahok sa ICC pre-trial proceedings si Duterte
Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin

Article Inside Page


Showbiz News

Whamos Cruz, Antonette Gail Del Rosario


Ano kaya ang pinakamagandang bagay sa pagiging magulang para sa content creators at real-life couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario?

Nakisaya ang social media personalities at real-life couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario sa The Boobay and Tekla Show kamakailan.

Related content: The Filipino TikTok content creators with over 5M followers that you need to follow now

Sa pagbisita ng content creators sa programa, sumalang sila sa “Perfect Match,” kung saan sinagot nila ang iba't ibang tanong tungkol sa relasyon.

Isa sa mga tanong para sa kanila ay tungkol sa pagkakaroon ng isa pang baby. Matatandaan na isinilang ang anak nina Whamos at Antonette na si Baby Meteor noong January 2023.

Tanong ni TBATS host Boobay para sa guest celebrities, “Kung si Tonet ang tatanungin, ilan pa ang gusto niyang maging anak after ni Baby Meteor?”

“Isa pa” ang sagot ni Whamos habang “2” naman ang sagot ng kanyang partner. Ayon kay Antonette, gusto niyang magkaroon ng kambal na anak.

Matapos ito, tinanong ng hosts si Whamos kung mahirap ba maging isang magulang.

Aniya, “Siyempre, kahit papaano mahirap. Lahat naman tayo pagdadaanan at pagdadaanan natin 'yan. At saka 'yung mga anak natin, siguradong-sigurado magiging magulang din 'yan at makakaranas din yan ng 'di kagandahang ano… 'yung pag-aalaga, mahirap.”

Dagdag na katanungan ni Boobay sa first time parents ay kung ano naman ang pinakamagandang bagay sa pagiging mga magulang. Para kay Antonette, ito ay ang pagiging responsable.

“'Yung pagiging responsible kasi kailangan mo 'yun sa baby para lumaki siya nang maayos and magabayan mo siya,” pagbabahagi niya.

Ayon pa kay Whamos, nagpapalitan sila ng kanyang partner sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Dagdag naman ni Antonette, “Kasi hindi naman po siya mahirap alagaan, mabait lang. Tawa-tawa lang. Iiyak lang siya kapag gutom tapos palit ng diaper.”

Bago matapos ang “Perfect Match” segment, may mensahe sina Whamos at Antonette para kay Baby Meteor.

Ani Whamos, “Para kay Baby kung mapanood mo man 'to, lumaki kang may takot sa Diyos, 'yun 'yung unang-una sa lahat. Makapagtapos ng pag-aaral at saka tuparin kung ano 'yung pangarap na gusto niya. Hindi namin siya pipigilan kung ano 'yung pangarap na gusto niya kasi siya 'yan e.”

Ayon pa sa social media star, gagabayan nila ni Antonette ang kanilang anak sa mga pangarap nito sa buhay.

Ganoon din ang mensahe ni Antonette para kay Baby Meteor. “May takot siya sa Diyos and always malusog kasi mahirap din magkasakit. And kung anuman 'yung pangarap niya sa life, gagabayan namin siya hanggang sa matungtong niya 'yon,” mensahe niya.

Bukod dito, ibinahagi nina Whamos at Antonette ang limang uri ng mga pasahero sa jeep sa “TBATS Top 5.” Ano-ano kaya ang mga ito? Alamin sa video sa ibaba.

Samantala, nabiktima si Tekla ng prank ni Whamos nang sabihin nito na bibigyan niya ang komedyante ng PhP20,000. Ano kaya ang naging reaksyon ng TBATS host?

Para sa tuloy-tuloy na tawanan at saya, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.