GMA Logo Radson Flores, Kim De Leon, at Abdul Raman on TBATS
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

'StarStruck' alumni Radson Flores, Kim De Leon, at Abdul Raman, magpapasaya sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published October 8, 2023 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Radson Flores, Kim De Leon, at Abdul Raman on TBATS


Abangan sina Kapuso stars Radson Flores, Kim De Leon, at Abdul Raman sa 'The Boobay and Tekla Show' mamayang gabi, 10:40 p.m. sa GMA at Pinoy Hits.

Humanda na sa isang masayang gabi dahil mapapanood mamaya sina Sparkle actors Radson Flores, Kim De Leon, at Abdul Raman sa The Boobay and Tekla Show.

Related content: 'StarStruck' male hotties

Mas makikilala natin ang StarStruck Season 7 alumni dahil sasabak sila sa fun guessing game na "What Da Fact" kasama ang comedy duo na sina Boobay at Tekla. Mahuhulaan kaya nila kung sino sa kanila ang tinutukoy sa mga pahayag?

Sasalang din ang guest stars at hosts sa "Bawal Tumawa Newscast" kung saan susubukan nilang tapusin ang pagbabasa ng balita habang sinusubukang kontrolin ang kanilang pagtawa.

Bukod dito, ano-ano kaya ang malalaman ng hosts tungkol sa guests celebrities sa "Phone Raid?"

Samantala, bibisita sina Boobay at Tekla sa set ng TikToClock para sa special edition ng man-on-the street segment na "Don't English Me."

Abangan ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show mamayang gabi,10:40 p.m., sa GMA at Pinoy Hits.