
Ipagdiriwang ang Halloween sa The Boobay and Tekla Show dahil mapapanood ang “Undas Diva 2023,” ang search para sa talented divas na naka-Halloween costumes.
Powerhouse Kapuso singers
Maghaharap dito sina Jessica Villarubin bilang ang biriterang witch na si Broomhilda Coronel, Lyra Micolob bilang Redford White Lady, at Jennie Gabriel bilang ang killer clown in distress na si Pennyless.
Ipamamalas ng tatlong kandidata ang kanilang galing sa pagkanta sa talent portion at sasalang din sila sa Q&A round.
Sino kaya ang tatanghaling first-ever Undas Diva?
Abangan 'yan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:40 p.m., sa GMA at Pinoy Hits.