GMA Logo Sachzna Laparan
PHOTO COURTESY: sachzna (IG)
What's on TV

Sachzna Laparan, maghahatid ng saya sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published December 3, 2023 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Epstein files release highlights Clinton, makes scant reference to Trump
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sachzna Laparan


Abangan ang social media star at aktres na si Sachzna Laparan sa 'The Boobay and Tekla Show' mamayang gabi.

Isang special Yuletide edition ng inyong favorite matchmaking game ang mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (December 3).

Sasabak ang social media star at actress na si Sachzna Laparan sa “Pusuan Na 'Yan: Christmas Edition.”

Related content: Crossover: Social media stars who appeared on GMA series

Hindi ito magiging madali para kay Sachzna dahil pipili siya sa tatlong nagagwapuhang hunks na sina Irvine Garcia, Polo Laurel, at Kristof Garcia.

Kailangan mapabilib ng tatlong hunks si Sachzna gamit ang kanilang charm, wit, at sense of humor.

Makakasama rin nina Boobay at Tekla si Sachzna sa “Pranking In Tandem,” kung saan ipa-prank nila ang dalawang tao na akalang sila ay mag-o-audition para sa role sa isang upcoming series.

Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show mamayang 10:25 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.