GMA Logo Jkhriez Pastrana
Photo Source: jkhriez_pastrana (Instagram)
What's on TV

Jkhriez Pastrana, sasalang sa 'Pusuan Na 'Yan' ng 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published December 10, 2023 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thailand PM expresses hope for ceasefire with Cambodia
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jkhriez Pastrana


Sino kaya ang pupusuan ni Jkhriez Pastrana sa matchmaking game na 'Pusuan Na 'Yan?'

Ngayong Linggo, ipagdiriwang ang diversity at inclusivity sa The Boobay and Tekla Show.

Sasabak ang singer at performer na si Jkhriez Pastrana, ang anak ng komedyanteng si Dagul, sa special edition ng matchmaking game na “Pusuan Na 'Yan.”

Maghahanap ang 23-year-old vlogger ng date para sa nalalapit na holiday season.

Kailangan pumili ni Jkhriez mula sa tatlong nangaguwapuhang lalaki na sina Sparkle artists MJ Ordillano, Jeff Moses, at Gab Pascual, ang miyembro ng P-pop group na Ver5us.

Kanino kaya mai-impress si Jhriez? Abangan lamang 'yan mamaya!

Samantala, mag-iikot sina Boobay at Tekla sa mga kalye ng Quezon City para tanungin ang ilang tao kung ano ang kanilang mensahe para sa ex nila.

Abangan ang The Boobay and Tekla Show mamayang 10:25 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.