
Mapupuno ng good vibes ang Sunday night n'yo dahil sa masayang episode na hatid ng The Boobay and Tekla Show sa darating na January 7.
Isang veteran fortune teller mula sa Quiapo, Manila ang magiging biktima ng prank nina Boobay at Tekla at tutulungan sila ng celebrity accomplice na si Rochelle Pangilinan.
Related gallery: Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap's lovable family
Ano kaya ang magiging reaksyon ng fortune teller na ito? Abangan 'yan this Sunday.
Sasabak din sina Rochelle, Boobay, at Tekla sa “Don't English Me,” kung saan isa sa kanila ang magta-translate ng OPM titles sa Ingles habang ang dalawa ay susubukang hulaan ang original Filipino title nito.
Samantala, maglilibot ang comedy duo sa mga kanto ng Metro Manila para isang edition ng “Sabeh?!?,” ang man-on-the-street interview kung saan tatanungin ang respondents tungkol sa kanilang New Year's Resolution ngayong 2024.
Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (January 7), 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.