GMA Logo Saviour Ramos in TBATS
PHOTO COURTESY: saviourxxramos (IG)
What's on TV

Saviour Ramos, sasabak sa isang matchmaking game sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published January 14, 2024 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Saviour Ramos in TBATS


Abangan ang Sparkle hunk na si Saviour Ramos sa 'The Boobay and Tekla Show' mamayang gabi.

Mapupuno ng kilig at saya ang Sunday night n'yo dahil nagbabalik ang paborito n'yong matchmaking game sa The Boobay and Tekla Show.

But, wait! Mayroon twist ang “Pusuan Na 'Yan” dahil imbis na female celebrity searcher ang maglalaro, isang hunk actor ang inimbitahan para makapili ng kanyang pupusuan.

Ito ay ang Sparkle hunk na si Saviour Ramos.

Related content: Wendell Ramos's son Saviour is the next leading man to watch for


Sino kaya kina Kapuso beauties Angel Leighton, Ella Cristofani, at AZ Martinez ang mapupusuan ng hunk searcher?


Bukod dito, ipagdiriwang din sa TBATS ang kaarawan ng isa sa mga host na si Tekla. Ngunit bago ang masayang selebrasyon, magiging biktima muna ng prank nina Boobay at guest stars ang birthday celebrator.

Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show mamayang 10:05 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.