GMA Logo Shuvee Etrata
What's on TV

Shuvee Etrata, may pupusuan sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published February 10, 2024 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata


Sino kaya sa tatlong hunks ang pupusuan ng Sparkle actress na si Shuvee Etrata? Alamin 'yan sa 'TBATS' ngayong Linggo.

Ngayong Linggo, maagang ipagdiriwang ang Valentine's Day sa The Boobay and Tekla Show.

Maghahanap ng date ang Sparkle actress na si Shuvee Etrata sa matchmaking game na “Pusuan Na 'Yan.”

Check out the hottest photos of Shuvee Etrata

Sa naturang segment, tatlong naggagwapuhang hunks ang susubukan na mapabilib ang aktres gamit ang kanilang charm, wit, at humor.

Ito ay sina former collegiate basketball varsity Albert Bordeos, Filipino-American at grand winner ng TikToClock's search for 12 Boys of Christmas, Timothy Baccari, at Sparkle artist Sandro Muhlach.

Sino kaya ang pupusuan ni Shuvee? Abangan lamang 'yan ngayong Linggo.

Samantala, sina Boobay at Tekla ay mayroon man-on-the-street interview segment, kung saan icha-challenge nila ang ilang respondents na mag-translate ng OPM love songs sa Ingles.

Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.