
Isang nakakatawang edition ng matchmaking game na “Pusuan Na 'Yan” ang mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 28).
Abangan ang Asawa ng Asawa Ko star na si Liezel Lopez at ang tatlong hunks na susubukang mapabilib ang aktres.
Related gallery: Liezel Lopez stuns in GMA Entertainment's Kapuso Profiles shoot
Ang nagagwapuhang hunks ay sina Sparkle artist Jin Macapagal, trending social hunk na si MJ Abellera, at It's Showtime Online U host na si Wize Estabillo.
Hindi lamang kailangan nina Jin, MJ, at Wize i-outwit ang isa't isa, kundi ipamalas din ang kanilang skills sa improvisational comedy habang susubukang makuha ang atensyon ni Liezel.
Samantala, sa MOS segment na “Sabehhh?, makakausap nina Boobay at Tekla ang ilang mga tao habang sinusubukan magawa ang nakakaaliw na mental at physical challenges sa bangketa.
Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (July 28), 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.