
Magpapatuloy ang month-long anniversary celebration ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (February 9).
Makakasama sa "Kilig-Tawa: The 7th Anniversary Special" ang real-life couple na sina Sparkle actress Klea Pineda at Katrice Kierulf.
Gaano nga ba ka-compatible sina Klea at Katrice? Sa “Match Me If You Can,” sasagutin ng couple ang ilang mga tanong tungkol sa pag-ibig at relationships at kailangang mag-match ng kanilang mga sagot.
Ano kaya ang first impression nila sa isa't isa? Sino kaya ang gumawa ng first move? Alamin ang kanilang mga sagot mamaya!
Bukod dito, ibabahagi rin nina Klea at Katrice ang kanilang most extreme travel adventures.
Tiyak na kilig overload sa TBATS mamayang gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at 11:05 p.m. naman sa GTV.
KILALANIN ANG IBA PANG INSPIRING CELEBRITIES NA KABILANG SA LGBTQIA+ COMMUNITY SA GALLERY NA ITO.