
Puno ng kilig at good vibes ang hatid nina Kapuso stars at real-life sweethearts na sina Gil Cuerva at Lexi Gonzales sa The Boobay and Tekla Show kamakailan.
RELATED: All the photos that prove Lexi Gonzales and Gil Cuerva make a great couple
Sumalang ang celebrity couple sa “Truth or Dare” kung saan sinagot nila ang ilang maiinit na mga tanong. Isa sa mga sagot na hinarap ni Gil ay kung ano ang mayroon kay Lexi na wala sa kanyang pinakahuling naging nobya.
“Mas match siguro 'yung personality namin ni Lexi and mas, I guess, same kami ng wavelength,” sagot ng aktor.
Isa naman sa mga tanong na hinarap ni Lexi ay: “Kunwari magiging member ng Running Man Philippines si Gil pero kailangang magtanggal ng isang lalaki. Kung ikaw ang masusunod, sino sa tingin mo ang dapat tanggalin sa show?”
Ano kaya ang sagot ng Sparkle star? Alamin sa video sa ibaba.
Bukod dito, kumasa ang dalawa sa “Ranking in Tandem” kung saan ira-rank nila ang ilang mga larawan base sa ibibigay na criteria nina Boobay at Tekla. Ano kaya ang kanilang mga sagot?
Panoorin sa video na ito.
Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.