
Get ready para sa isang Sunday night na punong-puno ng tawanan at saya dahil bibisita ang stars ng GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest sa The Boobay and Tekla Show.
Abangan ngayong Linggo sina Sparkle stars Shayne Sava at Prince Carlos para sa isang special episode na hindi n'yo dapat palampasin.
Ipamamalas ng talented young stars ang kanilang husay sa pag-arte na mayroong twist.
Bukod dito, makakasama nina Shayne at Prince sina Boobay at Teklaa sa pag-reenact ng ilang emosyonal at dramatic scenes sa Mommy Dearest na mayroong comedic spin.
Samantala, may ilang mga random trivia na babasahin sa “What Da Fact?” at kailangan hulaan nina Shayne, Prince, Boobay, at Tekla, kung sino sa kanila ang tinutukoy sa statement.
Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (May 4), 10:05 p.m., sa GMA at 11:05 p.m. sa GTV.