GMA Logo Ahtisa Manalo at Kirk Bondad in TBATS
What's on TV

Ahtisa Manalo at Kirk Bondad, maghahatid ng saya sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published May 23, 2025 10:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Ahtisa Manalo at Kirk Bondad in TBATS


Abangan sina Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo at Mister International Philippines 2025 Kirk Bondad sa 'The Boobay and Tekla Show' sa darating na Linggo.

Humanda na para sa isa na namang Sunday na puno ng saya at tawanan sa The Boobay and Tekla Show.

Makakasama natin sa darating na Linggo (May 25) ang dalawang recently-crowned pageant titleholders na sina Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo at Mister International Philippines 2025 Kirk Bondad.

Sa pagbisita ng beauty queen, ituturo ng comedy duo na sina Boobay at Tekla ang kanilang unique runway walking styles. Kung si Ahtisa ay mayroong “Pambansang Manika Walk,” sina Boobay at Tekla naman ay mayroong “Infinity Walk.”

Magkakaroon din ng special moment si Ahtisa ngayong Linggo!

Bukod dito, iinit din ang Sunday night n'yo dahil isang quick fitness session ang hatid ni Kirk. Masusubok din ang kaalaman ng fitness hunk sa Filipino words at expressions sa “Kirktionary” segment.

Huwag palampasin ang upcoming episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at 11:05 p.m. sa GTV.