
Ito na talaga ang simula ng bagong Sunday habit natin! Wagi sa television ratings ang unang episode ng The Boobay and Tekla Show!
Ayon sa NUTAM People Ratings noong Linggo, January 27, lamang ang The Boobay and Tekla Show o TBATS sa katapat nitong programa sa kabilang network.
“Hindi n'yo kami binigo, mga ka-TBATS! Pak na pak ang panalo natin para sa unang episode ng #TheBoobayAndTeklaShow! Next Sunday ulit,” pahayag ng pasasalamat ng programa.
Mga ka-TBATS, ugaliing tumutok sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapus Mo, Jessica Soho, at sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Huwebes, 5 P.M!