GMA Logo Rayver Cruz
What's on TV

Rayver Cruz, binuking nina Boobay at Tekla sa 'TBATS'

By Cherry Sun
Published March 26, 2019 11:21 AM PHT
Updated August 25, 2020 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Heat, Hawks aim for post-Christmas turnaround
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Sumalang sa hot seat si Rayver Cruz nang bumisita sa 'The Boobay and Tekla Show.'

No holds barred ang pagsagot ni Rayver Cruz sa 'Feeling the Blank' segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, August 23. Kaya naman, pati sina Boobay at Tekla, hindi rin napigilang maloka sa revelation ng aktor.

Napasalang sa hot seat si Rayver sa 'Feeling the Blank' segment ng TBATS, at walang inurungan ang Kapuso actor-host sa pagsagot ng controversial at naughty questions ng fun-tastic duo.

Ibang level ang hiyawan ng audience at naitulak pa ni Rayver si Boobay nang sagutin niya ang tanong kung kailan siya huling nagsabi ng “I love you” sa mystery person sa photo na nag-impluwensiya sa kanyang lumipat sa GMA Network at nang kumpirmahin niyang matagal na silang nagsasama.

Panoorin:

Nawindang naman ang caregiver na si Sarah nang siya ang mabiktima ng veteran actress na si Marissa Delgado sa 'Pranking in Tandem' segment.

Riot naman ang hatid nina Boobay at Tekla sa pag-interview ng mga pasahero sa bus na sumagot kung aling bahagi ng kanilang katawan ang pinakamatagal nilang sinasabon pag naliligo. Samantala, unli-laugh trip din ang nangyari sa studio dahil sa 'Dear Boobay and Tekla.'

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!