What's on TV

EXCLUSIVE: Boobay and Tekla's favorite Man-on-the-Streets interview

By Cherry Sun
Published March 28, 2019 12:30 PM PHT
Updated March 28, 2019 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US fighter jet shot down over Iran, search underway for crew member
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Boobay at Tekla, ibinahagi ang pinakanakaaaliw na eksena nila sa The Boobay and Tekla Show.

Walang kapares ang paghahatid ng saya nina Boobay at Tekla sa The Boobay and Tekla Show lalo na at sila ang lumalapit sa mga manood sa pamamagitan ng kanilang Man-on-the-Streets (MOS) segment.

Ano kaya ang paborito ng fun-tastic duo sa kanilang mga ginawang interview?

EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, enjoy ma-interview ang mga tao sa kalsada

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Tekla na pinakamasaya siya sa latest MOS na kanilang ginawa sa bus terminal.

Ang tanong nila sa publiko, “Kapag naliligo, anong parte ng katawan ang pinakamatagal mong sinasabon?”

Kuwento ni Tekla, “Inakyat namin yung bus, sobrang daming tao, hindi na kami nakaakyat sa pinto ng bus.

“Umakyat kami doon sa may bintana, doon kami dumaan. Nakakatawa siya, sobrang exciting nun.

“Lahat ng kulit ko doon ibinigay ko.”

Samanta,al ang hindi malimutan ni Boobay ay nang sila ni Tekla ang parang na-TBATS.

Todo effort kasi sila sa pagsalita ng Korean pero Pinoy pala ang kausap nila.

“Wala kaming idea talaga na Pinoy talaga siya so tina-try namin na mag-Annyeong 'tapos 'yun pala matatas mag-Tagalog, 'tapos Pinoy na Pinoy.

“Kami na-prank, bumalik sa amin, karma,” natatawa niyang pagbahagi.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show!

Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!