GMA Logo Gabbi Garcia on TBATS
What's on TV

Gabbi Garcia pranks a national Muay Thai athlete

By Cherry Sun
Published May 23, 2019 10:50 AM PHT
Updated April 16, 2020 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam panel talks on 2026 budget to continue on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia on TBATS


Isang Muay Thai athlete ang na-good time ni Gabbi Garcia, kasama sina Boobay at Tekla, sa "Pranking in Tandem" ng TBATS noong April 12.

Isang Muay Thai athlete mula sa Philippine National Team ang nabiktima ni Gabbi Garcia, kasama sina Boobay at Tekla, sa April 12 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Para sa “Pranking in Tandem,” nagpanggap si Gabbi na magpapaturo siya sa isang martial arts instructor bilang paghahanda sa isang action series.

Nagkunwaring pabebe ang aktres pero mas naging komplikado ang sitwasyon nang may dumating na isa pang instructor at naghamon ng sparring.

Riot din ang nangyari sa “Feeling the Blank” dahil walang inurungang katanungan sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon, at Lovely Abella sa kanilang pag-upo sa hot seat kasama ang fun-tastic duo.

Nilaglag din nila ang ilan nilang co-stars sa Bubble Gang.

Ano kaya ang kanilang revelations tungkol kina Michael V, Paolo Contis, Mikoy Morales at Diego?

Patuloy din ang pagpapakalat ng good vibes nina Boobay at Tekla sa kanilang Kapuso Mo, Jessica Soho parody segment kung saan sinundan ang naunsiyaming kuwento ng magkapatid at ang kanilang natuklasang gold coins.

Ganun din sa “TBATS on the Street,” kung saan nasubok ang kaalaman ng ilang students sa pag-identify ng mga personalidad mula sa kasaysayan ng Pilipinas.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!