GMA Logo Eugene Domingo
What's on TV

Eugene Domingo, sa set ng 'Dear Uge' nambiktima para sa 'TBATS'

By Cherry Sun
Published July 15, 2019 6:20 PM PHT
Updated April 26, 2021 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Eugene Domingo


Ang ating mga paboritong Kapuso Sunday shows na 'Dear Uge' at 'The Boobay and Tekla Show,' sanib-puwersa sa paghahatid ng katatawanan at kulitan! Balikan ang April 25 episode ng 'TBATS' dito!

Join forces ang Dear Uge at The Boobay and Tekla Show (TBATS) dahil si Eugene Domingo ang kasabwat nina Boobay and Tekla sa April 25 episode ng Kapuso comedy show.

Sa 'Pranking in Tandem' segment, napanood ang panggu-good time ni Eugene sa dalawang basketbolistang inakalang mage-guest sa Dear Uge. Ano kaya ang mararamdaman ng dalawang UAAP basketball players sa iba't ibang emosyong ipapakita ni Uge bago pa man magsimula ang taping nila?

Sanib-puwersa rin si Eugene at ang fun-tastic duo sa 'Dear Boobay and Tekla' segment. Ano kaya ang words of wisdom ni Uge?

Nakisaya rin ang ibang Dear Uge cast members na sina Jo Berry, Divine Aucina, Jelai Andres, at Dave Bornea sa larong 'The Whisper Challenge.'

Ang saya sa studio umabot hanggang labas nang makipagkulitan sina Boobay at Tekla sa mga tao sa palengke sa kanilang segment na 'TBATS on the Street.'

Napanood naman sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody kung paano nagkrus ang landas ng dalawang babaeng bigo sa pag-ibig. Ano kaya ang mangyayari kung malalaman nilang magkadikit din ang kanilang naudlot na love story?

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!