
Mapapa-#saranghae kayo, mga Kapuso, dahil isang K-Pop group ang manonorpresa sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, December 20.
Isang fast-rising trio mula Korea ang bibisita sa TBATS at pati sina Boobay at Tekla ay masta-statruck sa mga oppa!
Sa parehong episode ay makakasama rin ng fun-tastic duo ang tatlong bida ng Prima Donnas na sina Sofia Pablo, Althea Ablan at Jillian Ward. Ang Kapuso stars magpapasiklab sa kanilang pag-arte sa 'Roleta ng Kadramahan.'
Samantala, bidang-bida rin ang acting ni Rochelle Pangilinan sa panggu-good time sa dalawang yoga students sa 'Pranking in Tandem' segment.
Ang katatawanan dadalhin din nina Boobay at Tekla sa kalsada sa 'TBATS on the Street!'
Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, December 20, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!