GMA Logo Prima Donnas in TBATS
What's on TV

Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo, magtatapatan sa aktingan sa 'TBATS'

By Cherry Sun
Published February 19, 2020 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas in TBATS


Ang mga bida ng highest-rating daytime drama na 'Prima Donnas,' magpapakitang-gilas sa pag-arte sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo, February 23.

Ang mga bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo dadalhin ang husay sa pag-arte sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, February 23.

Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo
Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo

Magtatapatan sa isang acting challenge sina Jillian, Althea, at Elijah bilang special guest ng TBATS. Hindi rin siyempre magpapahuli ang fun-tastic duo na makikipagsabayan sa kanila sa pag-arte.

Makakasama rin nina Boobay at Tekla ang dalawang Kapuso hunks na sina Jak Roberto at Mikael Daez.

Si Jak ang sasabak sa 'Censored Tweets' segment kung saan babasahin niya ang ilang naughty at thirst tweets tungkol sa kanya. Hahamunin din niya ang ilang miyembro ng studio audience sa isang sexy dance showdown.

Samantala, si Mikael naman ang mambibiktima sa dalawang pedicab driver sa 'Pranking in Tandem' segment.

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, February 23, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!