GMA Logo TBTS Pranking in Tandem
What's on TV

Boobay at Tekla, nabiktima ng prank victim na umaming kabit?

By Cherry Sun
Published March 2, 2020 3:05 PM PHT
Updated May 17, 2021 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

TBTS Pranking in Tandem


Tila na-good time sina Boobay at Tekla pati na ang studio audience nang aminin ng biktima ang pagiging kabit niya! Panoorin sa 'The Boobay and Tekla Show.'

Si Carla Abellana ang inimbita nina Boobay at Tekla para mambiktima sa 'Pranking in Tandem' segment sa May 16 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS). Pero tila sila at ang studio audience ang na-good time nang aminin ng biktima ang pagiging kabit niya!

Nagpanggap si Carla bilang host ng 'Talak Nation,' isang gawa-gawang reality talk show para sa mga bigo sa pag-ibig.

Guest niya sa programa ang kasabwat na actress na inirereklamo ang kanyang nangaliwang mister at ituturo nito ang prank victim bilang ang kabit.

Noong una ay todo tanggi pa ang prank victim. Ngunit matapos kumpirmahin ng mister na siya nga ang other woman nito ay umamin na rin siya sa pagiging third party ng mag-asawa.

Nagkatotoo nga ba ang dapat prank lang?

Samantala, game na game naman naglaro sa “What's In My Pants Challenge” ang StarStruck Season 7 boys na sina Radson Flores, Abdul Raman, Allen Ansay, Karl Aquino, at Kim De Leon.

Mahulaan kaya nila kapag ipinasok sa kanilang pantalon ang upo, giant lollipop at melon?

Hindi rin nagpahuli sa larong “Jack en Fight” ang high school students sa “TBATS on the Street” segment.

Ang talo sa classic na larong jak en poy, kailangan magsuot ng arinola sa ulo dahil mapapalo ng plastic na maso.

Isang kuwento naman tungkol sa isang babaeng nagpakasal sa sarili ang pinagbidahan nina Boobay at Tekla. Ano nga ba ang sologamy?

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!

Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: