
Maghanda na sa mga bagong kalokohan, pranks, at jokes dahil hindi magpapahuli ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) sa new normal!
Sa pagsisimula ng September, nagbalik-taping na ang fun-tastic duo nina Boobay at Tekla para sa bagong episodes ng kanilang programa.
Kaya naman, simula September 13 ay asahan ang magkahalong fresh na fresh na katatawanan at pati na ang mga timeless na kalokohan sa TBATS!
Nonstop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!