
Paiinitin nina Nikki Co, Addy Raj at Dave Bornea ang Sunday night n'yo sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, November 22.
Sina Nikki, Addy at Dave ang makakasama nina Boobay at Tekla sa dalawang segments ng TBATS.
Tampok ang tatlong aktor sa bagong segment na 'Ginoong Pa-Delight 2020' kung saan papakiligin nila ang mga manonood sa pamamagitan ng kanilang performances.
Hahataw sa BTS song na “Dynamite” si Nikki, magpapakitang-gilas sa pag-rap si Addy, at isang provocative dance number naman ang hatid ni Dave.
Maglalaban-laban din sila sa segment ng 'Roleta ng Kadramahan' kung saan makikipagsabayan sa kanila ang The Mema Squad na binubuo nina Pepita Curits, Atak, Jessa Chichirita, Skelly Clarkson at Jelai Andres.
Sino kaya ang magwawagi ng titulo?
Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, November 22, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
IN PHOTOS: 12 reasons Boobay and Tekla are among today's top comedians