
Hindi naman natakas sa hot seat si Kapuso star Andrea Torres at sinagot niya ang mga nakaka-intrigang tanong nina Boobay at Tekla sa episode ng TBATS noong nakaraang Linggo, August 29.
Sa interview segment na “May Pa-Presscon,” tinanong ni Tekla kung anong tips ang maibigay ng aktres para sa mabilis na proseso ng pagmo-move on.
Photo courtesy: The Boobay and Tekla Show (YouLOL)
“Magfocus ka sa sarili mo.
“Gumawa ka ng mga bagay na nagpapasaya sa 'yo at tsaka mga bagay na hindi pa nata-try dati.
“Discover mo pa yung sarili mo kumbaga,” sagot ni Andrea.
Tinanong din sa Legal Wives actress kung mayroon bang celebrities na umaaligid sa kanya bilang single na ang relationship status nito.
Ayon sa aktres, “Maraming nangamusta. Marami talagang nangamusta,” at binulong niya kay Boobay kung sino tinutukoy nito.
Dahil dito, nagkaroon ng follow-up question ang komedyante at tinanong kung handa na ba muling magmahal ang aktres.
“Ako hindi pa. Usually kasi kapag ganito, binibigyan ko talaga ng time 'yong sarili ko para maging mag-isa para kapag dumating na yung next, all out ulit,” pagbahagi ni Andrea.
Inilahad din ng aktres na celebrity crush niya noon si Richard Gutierrez bago pa siya pumasok sa mundo ng showbiz at entertainment.
Aniya, “Eto, nagho-host pa lang ako nito. Talagang ni-request ko lahat ng mga assignment na pupunta sa set, magse-set visit, ako dapat ang magco-cover kung pwede. Si Richard Gutierrez.
“Super fan ako as in. Lahat ng movies niya pinanood ko, lahat ng soap niya.”
Matapos ang nakatutuwang hot seat, ipinamalas ni Andrea ang kanyang angking talento sa pag-arte sa segment na “Ang Arte Mo” kung saan kailangan niyang sabihin ang salitang “Nangangamoy tilapia” habang tuwang tuwa ang emosyon.
Panoorin ang nakaka-intrigang tanungan nina Boobay at Tekla kay Andrea Torres sa video sa itaas.
Kapag hindi naglo-load ng maayos ang video, maari itong mapanood DITO.
Para sa mas marami pang nakatutuwang kulitan at kasiyahan, patuloy na subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA Network pagkatapos ng Kapuso mo, Jessica Soho.
Samantala, alamin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa larangan ng komedya sa gallery na ito: