GMA Logo Rabiya Mateo
What's on TV

TBATS: Rabiya Mateo, pipiliin ang korona kaysa sa lovelife at tahimik na buhay?

By Dianne Mariano
Published September 21, 2021 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo


“Siguro doon ako sa Miss Universe crown kasi hindi lang 'yon yung pangarap ko. Pangarap din 'yon ng maraming Pilipino,” pagbahagi ni Rabiya Mateo.

Hindi naman nakaatras si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa hot seat segment na “May Pa-Presscon” at sinagot ang mahihirap na tanong sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (September 19).

Tinanong ni Boobay ang Illonga beauty na kung mabibigyan ito ng kapangyarihan na mabago ang nakaraan, pipiliin ba nito ang Miss Universe crown, love life, o tahimik na buhay.

Photo courtesy: The Boobay and Tekla Show (YouLOL)

“Siguro doon ako sa Miss Universe crown kasi hindi lang 'yun yong pangarap ko. Pangarap din 'yon ng maraming Pilipino, nang sangkabaklaan na sumuporta sa akin.

“Alam n'yo po ba after the competition, I need to recover kasi hindi din madali na matalo. May mga moments na nire-relive ko sa utak ko yung mga nangyari, 'What if ganito yung ginawa ko? What if ganyan? Siguro mas higher yung placements. Siguro nauwi natin yung crown.'

“Pero unti-unti you have to accept na minsan kahit anong gusto mo, hindi ibibigay sayo but it doesn't mean na tapos na 'yung buhay mo doon,” pagbahagi ni Rabiya.

Kinuwento rin ng beauty queen ang isang masakit na comment na nabasa niya noong lumaban siya sa Miss Universe pageant.

Aniya, “Siguro yung narinig kong issue is “Ah kabit yan kaya nanalo yan” and that was nasty.

Ayon kay Rabiya, una niyang kinausap ang kanyang ina tungkol sa comments ng mga tao.

“So, siya talaga yung sinabihan ko na “Ma, tatagan mo yung loob mo kasi yung pinasok ko, public property na ako. Wala na tayong say kung ano man yung gagawing issue ng mga tao pero 'yung importante is that alam naman natin na mabuti tayo kahit walang nakatingin sa atin.'

Dagdag pa dito, aminado rin si Rabiya na nagbabasa siya dati ng mga mean comments.

“Noong nagbabasa pa ako ng comments dati, parang iniisip ko 'Bakit ganito 'yung mga tao? Bakit parang ang sakit nila magsalita? Bakit napakadali nalang para sa kanila?'

“Pero we have to understand na hindi mo control kung ano yung sasabihin ng mga tao about sayo pero control mo kung paano ka magrereact sa mga sinasabi nila.”

Inaalala din ni Rabiya ang kanyang reaksyon noong hindi ito natawag sa Top 10 ng Miss Universe 2020 pageant.

Kuwento niya, “After nung hindi ka matawag, dumiretso kami agad sa likod and isa lang kasi yung area namin na pagpapalitan nung mga nakapasok sa Top 10. Tapos doon parang iniisip ko 'Oh my god hindi ako nakapasok, ano yung sasabihin sa akin ng mga tao?' grabe yung expectations.

“Tumatakbo talaga sa isip ko 'Maba-bash talaga ako nito' tapos parang nanginginig ako pero kailangan kong suot yung gown ko kasi lalabas kami ulit.

"Tapos kinuha ako ng organizer and she told me na 'You know what, not every year it's for the Philippines but you did great. You were able to represent your country well, you need to be proud of yourself.”

Sa unang pagkakataon, ipinamalas ni Rabiya ang kanyang talento sa pag-arte sa segment na “Ang Arte Mo” kung saan tinuruan siya ng Mema Squad na sina Pepita Curtis, Kitkat, Ian Red, at Brenda Mage ng iba't-ibang klaseng pag-arte gaya ng hysterical, Jaclyn Jose acting, exorcism acting, at “ A Quiet Place” acting.

Nagwagi naman ang Team Chaka na binubuo nina Tekla, Pepita Curtis, Ian Red, at Brenda Mage sa larong “Galaw Galaw” at nakahula ng dalawang tamang sagot at natalo ang Team Ganda na sina Boobay, Rabiya, at Kitkat.

Tuloy tuloy lamang ang kasiyahan kahit may crisis kaya patuloy na subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA-7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, balikan ang Miss Universe 2020 journey ni Rabiya Mateo sa gallery na ito: