
Tampok ang dalawa sa freshest leading ladies ng GMA Network na sina Faith da Silva at Claire Castro sa bagong episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (September 26).
Sa interview segment na “May Pa-Presscon,” magsasalita na si Faith, isa sa mga bibida sa nalalapit na GMA drama teleserye na Las Hermanas, tungkol sa kanyang rumoured romance kay veteran actor Albert Martinez.
Napag-usapan na nga ba nila ang isyu na ito? Bukas nga ba ang Kapuso actress sa pagkakaroon ng relasyon sa isang mas matandang lalaki?
Iilan lamang 'yan sa mga ilalahad ni Faith na dapat abangan sa ngayong Linggo.
Pagkatapos nito, sasabak ang aktres sa naughty edition ng “Guilty or Not Guilty” kasama si Nagbabagang Luha star Claire Castro.
Photo courtesy: Claire Castro (Facebook page)
Muling nagbabalik din ang paboritong laro ng mga manonood na “Don't English Me” kung saan maglalaban ang Team Claire at Team Faith.
Binubuo nina Boobay, Kitkat, at Mema Squad guest star, Buboy Villar, ang Team Faith habang sina Tekla, Pepita Curtis, at Ian Red naman ay ang Team Claire.
Nakaka-excite 'di ba? Huwag palampasin ang bagong episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo sa GMA-7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, muling tignan ang magagandang larawan nina Faith da Silva at Claire Castro sa mga gallery na ito: