GMA Logo Kiray Celis and Stephan Estopia
PHOTO COURTESY: kiraycelis (IG)
What's on TV

Kiray Celis at Stephan Estopia, magpapakilig sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published September 30, 2021 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis and Stephan Estopia


Ramdam na randam ang kilig vibes kasama sina Kapuso star Kiray Celis at ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ngayong Linggo sa 'TBATS.'

Bilang pagsabulong sa buwan ng Oktubre, isang nakakakilig at masayang episode ang handog ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 3).

Sa unang pagkakataon, makakasama ni Kapuso actress-comedienne Kiray Celis ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia sa live TV na tiyak na magbibigay ng saya at kilig sa mga manonood.

Kiray Celis and Stephan Estopia

Kiray Celis and Stephan Estopia are the featured guests for The Boobay and Tekla Show's upcoming episode. / Photo courtesy: kiraycelis (IG)

Sa interview segment na “May Pa-Presscon," ibabahagi ng magkasintahan ang kanilang love story-- isang kaso ng rebound relationship para sa kanilang dalawa--na dumaan sa madaming pagsubok ngunit nananatiling matatag at malakas.

Mas makikilala naman sina Kiray at Stephan sa pamamagitan ng mga nakakatawang istorya at nakakagulat na trivia sa bukingan segment na “LoveLagan Na.”

Sa “Hugot Showdown” naman, ipapamalas nina Boobay, Tekla, Kiray, Stephan, at ng Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, Kitkat, at Buboy Villar ang kanilang galing sa pag-deliver ng “hugot” line para sa isang tao sa kanilang nakaraan.

Maliban dito, kakanta din sila ng isang hugot song para sa taong iyon. Kaabang-abang 'di ba?

Ang paboritong segment ng mga manonood na “Don't English Me” ay muling nagbabalik para wakasan ang isang masaya na Sunday night.

Nakaka-excite 'di ba? Huwag palampasin ang fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:15 p.m. pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling kiligin at tignan ang mga larawan nina Kiray Celis at Stephan Estopia dito: